Saturday, July 19, 2008

SAMAHAN NG KARTUNISTA, NAGSAMA-SAMA







Bilang comics writer at artist,ako'y isa rin pong cartoonist (yabang ano po!) at natutuwa ako't nagkaroon ng aklat na nagsama-sama ng lahat ng magagaling na kartunista sa ating bansa.
Nagkaroon ng book launching, sayang wala ako roon. Nanghihinayang ako.

ito po ang mga pangyayari roon sa pamamagitan ng blog ni Pareng Randy Valiente.
Siya po ay kabatak ko... kaibigan sa industriya. salamat sa kanyang effort.


Dumaan ako sa book launching ng 'Samahang Kartunista ng Pilipinas Roster Book' na ginanap sa National Press Club, Intramuros, Manila. Dinaluhan ito ng mga miyembro ng SKP at mga kaibigan sa media. Kasama ring dumalo ang tanyag na international comics historian na si Prof. John A. Lent.

Mabuti na lang pala at nakadalo ako dahil hindi ipinagbibili ang libro ng SKP kaya hindi ito magiging available sa mga bookstores.

Ang mga members ng SKP na nasa libro ay sina: Freely Abrigo, Jun Aquino, Rene Aranda, Chong Ardivilla, Syeri Baet, Romy Buen, Dengcoy Miel, Stanley Chi, Neil Doloricon, Dennis Collantes, William Contreras, Hazel Manzano, Arvie Villena, Manny Francisco, Norman Isaac, Barry Jose, Ariel Atienza, Aileen Casis, Tatum at Tito Milambiling, Ed Padilla, Boni at Nick Pertierra, Mimi Romualdez, Roger Sanchez, Roni Santiago, Paolo Simbulan, Mike Tejido, Boy Togonon, Blademir Usi, Boboy Yonzon III, Lito Yonzon, at Tonton Young.

Signing of Memorandum of Agreement between NPC-SKP. NPC Pres. Benny Antiporda, Prof. John A. Lent and SKP Pres. Boboy Yonzon III.

Prof. Lent talking with Manila Bulletin senior cartoonist Norman Isaac.

No comments: