Monday, July 14, 2008
NANG MAPADAAN SI PETERPAN SA PILIPINAS
Minsan, nainip si Peter Pan sa kanyang puwesto sa Neverland. Kaya, naisipan Niyang maglakwatsa, ayon, bumaba siya sa mundo. Sa pagbaba niya palipad ay napagawi siya sa Pilipinas at napadpad sa Maynila, at nagawi sa Paniqui Tarlac, Tarlac. Naburing ang kumag kaya lumipad pa ng lumipad at napadpad sa Pandacan. Sa kakalakwatsa ay nagutom si Peter at humingi sa tindera ng panaderya ng pandesal at pande coco. Binigyan siya dahil napabilib niya ang magandang bebot sa paglutang niya sa ere. Marami ang natuwa at binigyan siya ng pansit ng isa pang tindera. Pagsapit ng gabi, balak nang magpahinga ni loko at napadpad siya sa bahay ni senator Panfilo Ping Lacson at doon natulog sa bubong hanggang sa kinagabihan. Sumilip siya sa bahay sa bandang bintana at napansin niyang nanonood ng tv ang mag-anak na Lacson. nanood din siya na ang pelikula ay Panday Ni Da King.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment