Marami ang nangungulit sa akin na kung sinu-sino daw nga ba ang mga nasa list ko ng mga magaganda at seksing babae sa balat ng showiz. Iyong mga tropa ko, meron silang list sa mga blog nila. Ngayon gusto ilang malaman ang sa akin kaya pinagigyan ko na sila. Hindi birong gawin ito dahil pinag-isipan ko talaga kung sino ang isasama ko sa listahan ko. kaya ito Po sila, Not in order nga lang. Sia ang mga bebot na talagang malakas ang dating sa akin at para sa akin ay maganda talaga. So, Let's take a look.
Katrina Halili
Ms. Tsinita Beautiful
Malakas ang dating sa akin ng bebot na ito, kasi mahilig ako sa mga tsinita at siya ay isa sa mga gusto kung mukha.mukahang inosenteng palaban, ika nga. kaya naging back-to back FHM sexiest woman of the year.
Gretchen Barreto
Ms. Beautiful girl
Siya ay nananatiling walang kupas sa kagandahan. Mula ang maliit pa ako hanggang sa ganap na maging mama ay walang kupas pa rin ang beauty ni Greta. Since early 90's crush ko na ang aura niya. may cassmate nga akong kamukaha niya na niligawan ko na nagalit kasi kaya ko lang daw siya niligawan dahil hawig siya ni Greta. Kasi naman, kapag kasama ko iyong girl na iyon, pakiramdam ko kasama ko narin siya. Isa si Greta na may magagandang mukaha sa showbiz sa tingin ko dahilkahit nagkakaedad na siya ay marunong siyang mag-maintain ng kagandahan niya kaya habulin ng mga barakong tulad ko.
Marian Rivera
Dreamgirl of my universe
Sikat na sikat ngayon ang girl na ito at ang beauty niya ay talagang superb sa aking panlasa. para siyang pinaghalong tsinita na may dugong espanyol. kahit saang anggulo ko siyang tingnan eh maganda pa rin ang bebot at kapag ngumiti ay labas ang dimples niya na gustong- gusto ko. Hindi nagkamali sa kanya ang kapuso Network na i-build-up siya bilang isang big star. sa tingin ko, dahil Cavitena, ay matapang ito at mukhang lalaban kapag tinatapakan. Yan ang gusto kong girl, may paninindigan.
Kristine Reyes
Innocent But Ozzling
Isa siya sa may pinakamalakas na sex appeal sa mga teen star sa ngayon, no doubt dahil si Kristine ay may ipagmamalaking ganda at hubog ng katawan na maituturing asset niya sa showbiz. kahit sinasabing pasaway ay nandoon pa rin humanga ako sa bebot na ito, kasi kahit galit , maganda pa rin at ang mukha niyang inosente ang nagpapadagdag sa kanya ng kakaibang timpla sa aking mga mata. Oo, maganda talaga siya at ang payo ko lang sa iyo, iha. Behave ha! okey.
Valerie Concepcion
Hot Mama
kahit may anak na ay mukhang dalaga pa rin si Valerie. Isa siya sa mga crush kong bebot sa showbiz na kahit tila husky na destorted ang boses niya bilang host ay cute pa rin. Sinubaybayan ko ang bebot na ito noon sa Bubble Gang na inosenteng-inosente, at nagulat ako na biglang nawala at paglantad ay may anak na. naghinayang ako. Naku! kung pupuwede ko lang akuin si Heather Fiona eh ginawa ko na dahil gusto ko ang mommy niya. Maituturing isang blessing sa kanya ang baby niya dahil aimula noong aminin niya ay dumaloy ang suwerte sa career niya. Isa siya sa rason kung bakit ako nanonood ng Wowowee dahil hindi kumpleto ang araw ko kapag hindi ko nakita ang beauty niya.
Ara Mina
Goddess of Desire
Talagang malakas ang dating nitong Si Ara sa paningin ko at talagang kapanta-pantasya ang alindog niya. kaya maraming na-link sa maraming guys. kahit sinasabing mukhang losyang na ay rin siya sa akin at maganda. Nagagalit ako kapag inaaway siyang mga kaaway niya nang walang dahilan para siya ay siraan. Bukod sa pag-arte ay kumakanta din siya. Marunong magpatawa a nakakatawa naman siya sa pagpapatawa niya. Tulad kong barako, hindi maiiwasang magka-gusto ka sa kanya dahil iba ang Ara Mina sa kanyang pagkatao. Isa siyang malaking babae na may malambot na puso at madaling masaktan. Sa sususnod, mag-ingat sa pag-ibig.
Angel Locsin
My Guardian Angel
Isa pang tsinita look na may malakas na impression sa akin. Isang ganda na exotica na tila talagang anghel sa paningin. Sa kabilang lungkot at pagsubok at saya na naranasan niya ay nanatiling mukhang anghel de la guardia na ginuguardiyahan ngmga lalaki sa bakuran ng showbiz. maraming mahuhumaling sa isang anghel na tulad niya dahil kakaiba ang alindog at dating niya. Kahit isa pa siyang lobo ay nanatiling sweet at cool ang dating ni Angel dahil napaka-cheerful niyang tingnan( sa akin ha!)Siya iyong tipong magpapa-maginoo ka para makuha ang atensiyon ng tulad niya. Huwag kang mag-alala mare, kaya mo ang mga pagsubok ngayon at intriga sa life mo, nandito lang ako na isang kaibigan mo na tutulong sa iyo kapag nawala ang bato o para makapag-darna ka. kapag may nanira sa iyo, tatalupan namin dito sa blog namin ng Japeks! cheer up. Ipaglalaban ka ng tropa kapag nasa tama ka.
Diana Zubiri
Princess of Charisma
Isa siya sa maituturing kong pinakamagandang nilalang tulad ni Athena sa daigdig ng showbiz. Malaks ang sex appeal at maganda ang hubog ng katawan na kahit sino ay mapapanaginipan ang isang diwatang tulad niya. kahit huminto ng bahagya sa pagpapaseksi ay naipakita ni Diana na hindi lang sa paghuhubad siya matikas kundi maging sa pag-arte. Para sa akin, nagmatured na siya sa career niya at gusto niyang gawin dahil hindi biro ang nasa Limelight pa ang isang sexy star, kasi ang iba, nawawala na sa circulation. Wish namin, more projects to come, hala bira Diana!
No comments:
Post a Comment