Tuesday, July 15, 2008

THE DECAGON OF ZEBRISLIBIA






Hay, 11 years na pala ako bilang manunulat ng kung anu- ano. Noong last July 10, binigyan ako ng tribute ng mga friends ko sa Cubao at kung anu-anong kaikikan ang pinaggagawa nila. Nariyang pakitaan nila ako ng mga artworks at mga pin-ups na nakalagay ang pangalan ko. Kinantahan at nagsagawa ng dula na korne na nakakatawa. Nagkasya na kami sa dalawang container na juice, lumpinang shanghai, spaghetti, ice cream at kanin na nagprito ng tatlong kilong hotdog si mhen.
Naantig ang damdamin ko sa kanila. May mga nakakabit na mga paraphernalia sa dingding patungkol sa akin. lahat ng mga comics, nandoon basta may Raven. Masaya ako nang araw na iyon at hindi ko malilimutan ang karanasang iyon. Around 2:00 pm nagsimula ang program and attended by almost 24 persons. Muntik na tuloy kapusin sa refreshments, buti na alng dumating si Hazel at may dalang cake at ice cream na dalawang galon. Nagkaroon pa ng parlor games around 4:00 pm na trip to Jerusalem, paper dance, at gaya-gaya puto maya. Sagot ni Fermin, Leigh, at Kristal de los Santos ang premyo.
Mga 5:30 ng hapon ay pinatigil ko na ang program at natapos sa happy birthday song at prayer. Nagpapasalamat ako sa inyo mga kaibigan ko at ipinagmamalaki ninyo ako.

No comments: