ang magandang si charlize Theron.
caricature ni buwaya.
hay, ito ang bago kong blog. kaya inaayos ko na. kasi ang dati, binura na ng tropa. nagkanya-kanya na kami ng blog para walang sabotage.
may mga tanong dito na nakakaloko na tinanong ng tropa.Pero, sasagutin ko rin.
ito po iyong mga tanong na mga nakakaloko, pero may sagot tayo.
- Kaano-anu ba ni Joaquin Bordado si Joaquin Fajardo?
siguro, isa sa mga borda niya na inayawan niya kasi buwaya nga itong si Fajardo. di ba.
- Kumakain ba talaga ng Lucky Me si Lucky Luis Mansano?
OO naman, di ba ipinakita sa commercial nila na kasama si Edu. Nag-aagawan pa nga sila.
- Hindi ba takot sa kapre si Ana Capri?
natural, takot iyon. ikaw ba naman ang makakita ng kapre, hindi ka kaya matatakot.
- Nakatikim na ba ng toron si Charlize Theron?
malamang na nakatikim na iyon kung binigyan o pinagluto siya ng pinay niyang cook.
- Naka-dine-in na ba sa Jollibee si Angelina Jolie?
Bakit, may branch na ba ng jollibee sa U.S? pag pumunta siya dito, baka sakali.
- Ayaw bang patawag ng hunghang ni Tom Hanks?
natural, di papayag yun kung maiintindihan niya.
- Paborito bang cartoon character ni direk Lauren Dyogi si Yogi Bear?
malamang, kilala niya si yogi. pag ngumiti si Kuya, para siyang si yogi.
- Paborito bang biscuit ni Atoy Co ang rebisco?
siguro, masarap yata ang biscuit na yun.
- Apo ba ni Leonardo da Vinci si Leonardo Di Caprio?
Imposible yun mga pare. pero may pagkakatulad sila. marunong magpinta si da Vinci at
ipininta niya si Monalisa, sa pelikulang Titanic, ginuhit naman ni Di Caprio si Kate Winslet.
No comments:
Post a Comment