BEBOT, PAKAKASALAN ANG MAGBIBIGAY NG SURGERY MONEY!
NI: RAVENSON BIASON
Ang kuhang larawan ni Dandan na lumabas sa website ng Sina.com.
Dezhou, China- Usong-uso ngayon sa naturang bansa ang paghihingi ng pabor at pagbebenta sa internet. Kaya naman in ngayon dito ang motto na “ Anything is for Sale”. Ngayon ay nakakatawag pansin sa isang website ang panawagan o kondisyong ibinibigay ng isang 22-anyos na magandang bebot sa naturang siyudad na may layo lamang na 200 milyan nasa timugan ng Beijing.
Ayon sa dalaga, pakakasalan niya ang sinumang lalaking gugugol ng 150,000 Yuan o katumbas ng $ 22,000 dolyar para ipambayad sa surgery ng kanyang classmate. Ang naturang babae ay si Dandan na masyadong concern sa kalagayan ng kanyang kaibigan na kung saan ay comatose ito dahil sa severe brain inflammation. Ang mga magulang ng kaibigan ng naturang bebot na si Yue-Mei ay ordinaryong magsasaka lamang na gumastos na ng 4,000-5,000 Yuan (katumbas ng US$ 580-730) kada araw para mapanatili lamang na nasa ospital sa karatig bayan nito sa Jinan.
Bilang tanda ng tunay na kaibigan at maaasahan sa kagipita’y nagposted ng patalastas sa isang message board ng isang pamosong Chinese portal na Sina.com. Dito ay nag-aalok siya ng kasal sa sinumang lalaking binata na kayang tustusan ang gastusin sa ospital ng kayang kaibigang si Yue-Mei. Sa naturang post ng dalaga’y sinabi rin niya ang kalagayan ng kanyang kaibigan bago niya sinabi ang kapalit kung may kakagat sa kanyang alok. “ Ako’y malumanay, masunurin, maunawain, at may alam sa mga gawaing bahay. May hitsura rin naman ako kahit papaano at cute, pero hindi rin naman ako talagang napakaganda. Mahinahon din ako at hindi basta umiinit ang ulo.”pahayag ni Dandan sa naturang website.
Naging halo ang reaksiyon ng mga kababayan niyang Chinese. May humanga sa katapangan ni Dandan at ang iba’y nagsabing payag siyang ikalakal ang kanyang katawan. Sinabi pa ng dalaga sa mga reporters na wala na siyang ibang mapagkukunan para solusyunan ng kanyang dilemma. Aniya, ang pamilya ni Yue-Mei ay nakapangutang na ng pera noong ang kanyang kapatid na lalaki ay nagkaroon ng sakit sa bato ilang taon na ang nakakalipas. Noong una’y lumalapit lamang sila sa mga taong may ginintuang puso para humingi ng tulong. Ngunit, walang nagpahalaga sa panawagan nila. Aniya, inisip ng mga tao na nagsisinungaling sila o nagraraket lamang.
Dahil desperado na sila’y naisip niyang ikalakal nga ang kanyang katawan at mag-alok ng kasal para isailalim sa operasyon ang kaibigan. Ang doctor naman ng ospital ay hindi sinupla ang diskarte ni Dandan at sinabing bumubuti na ang kondisyon ng kaibigan. Malamang na hindi na gaanong kailangan ng pera. Sinabi pa ng doctor na nagising na sa pagka-comatose si Yue-Mei at kahit papaano’y nakakagalaw na ng bahagya at nakakapagsalita. Sa sitwasyon ngayon ni Dandan ay sinabi niya sa mga reporters na nahaharap siya sa kritisismo ng mga tao dahil sa kanyang desisyon. “ Ngunit, itutuloy ko parin ang aking balak. Dahil wala nang ibang paraan.” paninindigan pa ng dalagang si Dandan.
No comments:
Post a Comment