Ilan sa mga kuwento ko ay naidibuho na ng mga ka-tropa kong ito. Madalas na sina Danny at Jason ang nagddidibuho ng mga stories ko sa Happy Komiks na ang editor ay si mam Josie Domingo. Pero, may mga nobels ako noon na dinibuho nina Rodel at Bing na nasa Precoius Publication pa rin ngayon at tinago na yata nila ang obrang iyon.
Isa sa mga hinahangaan kong artist sa contemporary ay Si Bing Cansino na siyang nagdrawing ng mga propose graphic novel kong Annihilation, Darkmind Syndrome at Ruby Red. Pero, nang m-publish ng atlas ang isa nitong chapter o ang debut sa ESPESYAL KOMIKS noong April 2004 ay si Jason Saldajeno ang nagdrawing.
Masasabing pang Marvel o DC komiks ang dibuho niya dahil sa mga hagod na tila si Leinil Yu ang kumana. SAkala ko nga noong una ay si Lan Medina ang nagdibuho ng short story ko noon, kaya tuwang-tuwa ako, dream kong makatambal sa isang nobela si ka Lan, pero siya (bing) pala ang gumawa nun! Not bad, magaling din siya kaya masaya ako. Si Bing ay gumawa na rin sa Glasshouse at sa Avalon Studio, siya yata ang penciller at si Rodel ni kaka Gerry Alanguilan. Sila ang tumira ng Silver Surfer. Natutuwa ako sa ngayon na malayo na ang nararating ng mga katulad nilang artist na nakaka-penetrate na rin sa US market. Marami pa akong i-fe-feature na mga paborito kong artist sa blog ko at kung ano ang masasabi ko kung bakit gusto ko ang gawa nila.


Pencil niya na parang si Ruby Red.
No comments:
Post a Comment